Posts

Showing posts from June, 2016

Hangin

Napadaan na ang hangin. Kasabay nito ang paglipad ng mga alaala natin. Napakabilis lang ng mga nangyari, Tila kahapon lang nang ika'y dumating. Di ko inaasahan na ika'y makakapiling, Ngunit di ko akalain na ako'y iyo rin palang lilisanin. Napakasaya ng ating kahapon, hindi mo aakalain na magiging ganito tayo ngayon. Sinabi pa nga nila daig pa natin ang hugis ng Mayon, mas perpekto pa daw doon ang ating relasyon. Ngunit di nagtagal, dumaan na ang hangin, kasabay nito ang mga alaala natin. Itong hangin na ito'y may kasama rin palang unos, unos na siyang sumira sa ating relasyon na higit pa sa raw sa pagkaperpekto ng Mayon. Kasabay ng unos ay ang ulan, ulan na napakalakas, na bawat patak ay siyang naging katumbas ng aking pagluha. Alam mo ba, Basang-basa na ako, sa sarili kong ulan. Ang daming tumatakbo sa isip ko, oo kabilang ka dito. Pinipilit mong iligtas ang sarili mo sa unos ng aking isipan,  kaya iniwan mo na ang i...

Tulog na ng Mahimbing

Sa tuwing sasapit ang dilim, Madalas din na napapaisip ako nang malalim. Hanggang kailan ko kaya ito daramdamin? Hanggang kailan ko kaya ito iisipin? Sa totoo lang, sawa na ako. Sawa na akong mag-isip sa mga katanungan sa aking isipan na wala namang sagot. Sawa na akong sagutin ang aking sarili na maya-maya'y may isang katanungan na naman na mabubuo. Sawa na ako sa kakaisip ng mga maaaring kahihinatnan ng mga bagay na aking gagawin. Kakaisip sa kahihitnatnan sana ng mga bagay na aking nang nagawa. Hanggang kailan kaya ako manghihinayang? Hanggang kailan ko kaya babanggitin ang mga salitang "Sayang, sana..." Sana ganito, sana ganyan. Eh di sana ganito, eh di sana ganyan. Puro panghihinayang. Puro pagtataka. Puro panghihinayang sa mga bagay na hindi ko nagawa dahil masyado akong duwag at takot sa mga kahihinatnan. Puro pagtataka sa magiging epekto ng napakaraming "sana" na dapat naging mga magagandang "alaala"....