Tulog na ng Mahimbing

Sa tuwing sasapit ang dilim,
Madalas din na napapaisip ako nang malalim.

Hanggang kailan ko kaya ito daramdamin?
Hanggang kailan ko kaya ito iisipin?

Sa totoo lang, sawa na ako.

Sawa na akong mag-isip sa mga katanungan sa aking isipan na wala namang sagot.

Sawa na akong sagutin ang aking sarili na maya-maya'y may isang katanungan na naman na mabubuo.

Sawa na ako sa kakaisip ng mga maaaring kahihinatnan ng mga bagay na aking gagawin.
Kakaisip sa kahihitnatnan sana ng mga bagay na aking nang nagawa.

Hanggang kailan kaya ako manghihinayang?

Hanggang kailan ko kaya babanggitin ang mga salitang "Sayang, sana..."

Sana ganito, sana ganyan.
Eh di sana ganito, eh di sana ganyan.

Puro panghihinayang.
Puro pagtataka.

Puro panghihinayang sa mga bagay na hindi ko nagawa dahil masyado akong duwag at takot sa mga kahihinatnan.

Puro pagtataka sa magiging epekto ng napakaraming "sana" na dapat naging mga magagandang "alaala".

Walang gabi na hindi ako napapaisip ng malalim.
Dahil sa paglalim ng gabi, ay siya ring paglalim ang aking mga naiisip.

Mabuti pa na matulog na lang ako ng mahimbing.
Para kahit sandali ay matakasan itong masakit na realidad na bumabalot sa akin.

Tulog na ng mahimbing, sa pag-asang bukas ay iyong puso at isipan ay gagaling din.


Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Paano

Sa Aking Hardin