Hangin

Napadaan na ang hangin.
Kasabay nito ang paglipad ng mga alaala natin.

Napakabilis lang ng mga nangyari,
Tila kahapon lang nang ika'y dumating.
Di ko inaasahan na ika'y makakapiling,
Ngunit di ko akalain na ako'y iyo rin palang lilisanin.

Napakasaya ng ating kahapon,
hindi mo aakalain na magiging ganito tayo ngayon.
Sinabi pa nga nila daig pa natin ang hugis ng Mayon,
mas perpekto pa daw doon ang ating relasyon.

Ngunit di nagtagal, dumaan na ang hangin,
kasabay nito ang mga alaala natin.

Itong hangin na ito'y may kasama rin palang unos,
unos na siyang sumira sa ating relasyon na higit pa sa raw sa pagkaperpekto ng Mayon.

Kasabay ng unos ay ang ulan,
ulan na napakalakas,
na bawat patak ay siyang naging katumbas ng aking pagluha.

Alam mo ba,
Basang-basa na ako,
sa sarili kong ulan.

Ang daming tumatakbo sa isip ko, oo kabilang ka dito.
Pinipilit mong iligtas ang sarili mo sa unos ng aking isipan, 
kaya iniwan mo na ang iyong mga ari-arian.
Mga ari-arian na puno ng mga alaala,
mga alaalang ilang sandali na sayo rin ay naging mahalaga.

Natapos na ang unos.

Salamat naman at sumikat na ang araw. 
Ngunit nag-iwan ito ng baha.
Baha na naging tanda ng matinding pinsala.
Baha na siyang nagpapaalala sa akin ng unos na kailan lang ay nangyari.

Lumipas na ang ilang araw, ilang linggo, ilang buwan,
humupa na ang baha.
Wala na ang nagpapaalala sa akin ng unos na nagdaan.

Naiayos na rin ang mga naging pinsala, siguro ito na ang panahon para makabangon muli.

Mali.

Ito na nga talaga ang panahon para bumangon muli.

Napadaan muli ang hangin.
Ngunit sa pagdaan nito ay akin na itong sinabayan,
lilipad ako patungo sa aking kasiyahan kasama ang baon na masalamuot na nakaraan dahil dito ako'y maraming natutuhan.

Napadaan na ang hangin,
kasabay nito ang mga alaala natin.
Mga alaalang kailanman ay hindi ko lilimutin,
ngunit hindi na rin dibdibin.


Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Paano

Sa Aking Hardin