Sa Aking Hardin

Kay tagal na noong huling nabuhay ang aking hardin.
Huminto na ang pamumukadkad ng mga bulaklak dito.
Wala na itong kulay, Wala na itong buhay.

Ngunit dumating ang mga paru-paro,
Kasabay nito ang napakaraming mga pagbabago.
Ang mga bulaklak sa aking hardin ay muling namukadkad.
Nagkaroon ng kulay. Nanumbalik ang buhay.

Nagdulot ito ng malaking ngiti sa aking labi.
Kaya sa hardin, ako’y madalas nang nanatili.
Pero sabi nga nila, ang pagbabago lamang ang tanging permanente sa mundo.
Ang inakala kong kasiyahan na mananatili, ay lumisan na sa aking tabi.

Napalitan ang mga paru-paro ng mga uod.
Uod na siyang kumain sa mga magagandang bulaklak.
Sa mga makukulay at nagbibigay-buhay na mga alaala.

Hindi ako nawalan ng pag-asa na muli pang mabubuhay ang aking hardin.

Dumating naman ang mga bubuyog.
Sa patuloy na pagtitiwala na maibabalik pa ang lahat sa dati,
Ang mga bubuyog na ito ay siyang araw-araw na tumutusok sa akin.
Nagbibigay man ng buhay at kulay sa aking hardin,
Ngunit ito din ang nagbibigay sakit at kasawian sa akin.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako magpapatusok sa mga bubuyog.
Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako magiging masaya sa piling mo,
kahit na alam ko na hindi ako ang nagpapasaya sa iyo, umaasa pa din ako.

Kaya kahit na masakit, magpapatusok pa rin ako sa mga bubuyog.

Dahil kahit na nasasaktan ako sa iyo, ikaw naman din ang nagbibigay buhay at kulay sa mundo ko.

Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Paano