Posts

Showing posts from January, 2018

Huling Sayaw

Ito na ang ating huling sandali - malapit nang mag-isang taon simula noong napaluha ako nang marinig ang unang pangungusap ng kantang ito na inawit ng Kamikazee habang ako’y nagpapaayos sa sasapit na oras. Ito na. Ito na talaga ang ating huling sandali. Ang huling pagkakataon na sasabak sa isang matinding laban kasama ang mga taong kapiling ko sa higit na limang taon. Hindi na tayo magkakamali – at nandito na nga tayo sa oras na ating pinaghandaan, ang oras na ating inabangan ang pagsapit, ngunit hindi hinihiling na matapos. Huling sayaw na natin. Huling laban na natin bago pa man magkahiwa-hiwalay ng landas. Junior’s Promenade na. Huling pagkakataon na din ito upang maisabuhay ang dangal na dala ng pangalan ng pangkat na Grade 10 – Excellence . Kahusayan. Hindi na dapat magkamali sa bawat paglapat ng mga kamay, sa pagtadyak ng mga paa, sa pagpilantik ng mga daliri, at sa pag-indak ng mga katawan. Kahusayan . Maipamamalas ba natin ito? Maisasabuhay ba natin ito? Kasi wala