Sa Aking Huling Pagtingin sa Salamin

Sa aking huling pagtingin sa salamin, hindi naman ako mukhang tissue,
para gamitin mo lamang sa tuwing ika’y naluluha at nalulumbay.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, hindi naman ako mukhang sabon,
para gamitin mo ako ng gamitin hanggang sa maubos na.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, hindi naman ako mukhang tae,
para layuan mo ako na tila ba ang sama-sama ng itsura o ugali ko.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, hindi naman ako mukhang clown,
para kailanganin mo lamang ako sa tuwing kailangan mo ng aliw.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na higit pa sa ginto ang halaga.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na parang bayani na mas pinahalagahan pa ang iba kaysa sarili.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na talo pa ang kape para ipaglaban ang taong mahal niya.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na parang basag na baso na sirang-sira na.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na hindi pinahalagahan at hindi pinaglaban,
na iniwan na lang na para bang basura,
na parang botante na pinaasa ng isang tumatakbong kandidato.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na dapat sana’y pinahalagahan at pinaglaban.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na dapat sana’y hindi iniwanan hanggang huli at hindi pinaasa ng lubusan.

Sa aking huling pagtingin sa salamin, nakakita ako ng isang tao,
na tuloy pa rin na umaasa na magiging maayos ang lahat,
na magmamahal sa kanya ng kahit hindi man lubos,
basta may tamang pagmamahal at paghahalaga sa kanya.

Sa aking huling pagtingin sa salamin,
Nasabi ko sa sarili ko, “Dapat din akong mahalin.”







Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Paano

Sa Aking Hardin