Paano

Paano kung iwan mo ulit ako kagaya ng biglaan mong paglisan noon sa tabi ko?
Kasi ako, lumisan man ako ay isasama kita
dahil ang gusto ko ay kasabay kita sa pagtahak at pagsuong sa kung saan man ako pupunta.
Hindi kita iiwan, hindi ako lilisan,
kasi alam ko ang pakiramdam
nang may lumiban, na wala man lang paalam.

Paano kung pumili ka na naman ng iba at iwan muli ako sa ere?
Kasi ako, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko kahit ano pa man ang mangyari.
Handa akong tanggapin ka kahit ilang beses mo pa akong hindi isama sa mga plano mo.
Handa akong tanggapin ka kahit ilang beses mo pa akong iwanan sa isang lugar na walang katiyakan, sa isang lugar na tanging ikaw at ako lang ang nakakaalam, sa isang lugar na tila ako na lamang ang nakakaalam.

Paano kung sabihin ko na di ako titigil na magmahal at umasa sa iyo, mapapatawad mo kaya ako?
Kasi ako, hinding-hindi ako magsasawang magpatawad sayo.
Hinding-hindi ako magsasawang umasa na magbabago ka pa, na babalikan mo pa ako, na babalik pa ang lahat sa dati,
hindi ako magsasawang balikan ka kung saan man tayo nagkatagpo.
Kahit ilang dekada pa ako mag-antay, kakayanin ko

kahit na walang kasiguraduhang may pag-asa pa tayo.

Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Letter of Separation for 2016

Sa Aking Hardin