Sa Pagkakaalam Ko...

Naaalala mo pa lahat ng ating pinagsamahan?
Masaya, malungkot, iba’t ibang uri ng pagkakataon.
Sa pagkakaalam ko…
Wala ka naman amnesia, pero bakit nakalimutan mo ako?

Bigla ka na lang lumayo, ‘di man lang nagpasabi
Nandiyan ka nga pero parang wala din
Sa pagkakaalam ko…
Wala ka naman sa ibang bansa, pero bakit parang sobrang layo mo sa akin?

Ilang taon na ang lumipas nang iwasan mo ako
Ang tagal na din noong ako’y iyong huling kinibo
Sa pagkakaalam ko…
Wala ka naman sa piling ko, ngunit bakit ikaw pa rin ang parating bukambibig ko?

Naaalala ko pa lahat ng ating pinagsamahan.
Masaya, malungkot, lahat ng uri ng pagkakataon.
Sa pagkakaalam ko…
Magka-amnesia ka man, pilit ko pa din sa iyong ipapaalala ang lahat ng ito.

Lumayo ka nang walang pasabi, ngunit kahit na ganoon nanatili ako sa iyong tabi.
Nandito ako palagi sayo, kahit na ikaw pa ay malayo.
Sa pagkakaalam ko…
Kahit nasa ibang bansa ka man, hindi ito magiging basehan upang ika’y iwanan.

Ilang taon na ang lumipas na ako’y nanatiling nag-iisa
Ngunit kahit ganoon ay patuloy akong umaasang tayo’y muling mag-uusap
Sa pagkakaalam ko…
Wala ka man sa piling ko, ikaw at ikaw pa rin ang laman ng puso’t isip ko.  

Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Letter of Separation for 2016

Sa Aking Hardin