Mabilisang Hugot

“Fireworks”

Salamat sa panandaliang saya na ibinigay mo sa akin. Binigyan mo ng kulay at kasiyahan ang buhay ko, pero nilisan mo din ako agad.

“Tae”
Kahit maging ano pa ang itsura mo o ang bumubuo sayo, matitiyak mong hinding-hindi kita paglalaruan.

“Pwet”
Ang damdamin ko sayo ay parang pwet, mahirap pigilan kapag may gustong ilabas.. kapag may gustong ipagsigawan.

“Kutsinta”
Tila ba’y isa kang kutsinta kapag kasama mo siya, matamis at madikit. Punyeta.

“Saging”
Wala akong pakialam kung ano man ang panlabas na anyo mo, basta ang alam ko, minamahal kita dahil sa kagandahang-loob mo.

Itlog”
Ingatan moa ng puso ko aya ng pag-iingat mo sa pinabiling itlog ng nanay mo sa iyo.

“Tubig”

Minsan malamig, minsan mainit.. parang ikaw.

“Broke”

Broke na nga ako, broken pa ako. Ay puta.

“Braces”

Kinakailangan na maranasan mo ang sakit para sa mas maganda at mas metatag na ikaw.

“April Fools”

Mapa-April 1 man o hindi, nanloloko ka naman lagi eh. Wala ka namang panahon na pinipili para lokohin at paasahin ako.

“Tweet”

Hindi kulang ngunit hindi rin sapat ang 140 characters para masabi at maipadama ko ang nararamdaman ko para sa iyo.




Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Letter of Separation for 2016

Sa Aking Hardin