Mabilisang Hugot (part 2)

“Patay”

Parang patay na ang puso ko sa pagkamanhid dahil sa sakit na pinaramdam mo sa akin. Pero kahit na ganon, patay na patay pa din ako sayo.

“Tissue”

Kasama mo ako sa mga panahong ikaw ay lumuluha ngunit kapag ikaw ay masaya na, hindi mo na ako kailangan. Tinatapon mo na lang ako palabas sa buhay mo.

“Summer”

Summer na! Pero bakit ganon, ang lamig ng turing mo sa akin.

“Selecta 3-in-1 plus One”

Di mo naman sinabi na kaya mo kaming pagsabay-sabayin, di ako aware na pang-party package ka pala.


“Hangin”

Di mo man ako nakikita pero sinisigurado ko sa iyo na lagi mong mararamdaman ang pagmamahal ko.

“Hangin” (version 2)

Parang hangin ka lang na napadaan at mabilis ring naglaho sa buhay ko.

“Phobia”

Hayaan mo hinding-hindi kita phobiabayaan na harapin at malampasan ang lahat ng kinakatakutan mo.

“Failure in Network Connection”

 Ang bagal kasi ng Internet sa Pilipinas, pati tuloy sa iyo hindi ako maka-connect.

“Esc Key”

Kung meron lang sanang Escape Key sa puso at isip ko, dati ka pa siguro nakaalis sa buhay ko.

“Undo”

Na-“Ctrl + A + Delete” na kita sa puso’t-isip ko eh, bakit ka pa nag-“Ctrl + Z”?

Comments

Popular posts from this blog

Huling Sayaw

Letter of Separation for 2016

Sa Aking Hardin